Thursday, 2 February 2012

Isang Hiling!

Kapag nasa malayong lugar kung saan ikaw lamang at walang ibang kasama sa buhay, may mga bagay na nagpapsaya at nagpapalungkot sa sarili mo. TFC or the filipino channel lamang ang aking nagiging kasangga sa tuwing ako ay walang pasok. At habang nanood ako ng nasabing palabas, napa focus ako sa PBB Unlinight. Isang task ni Kuya and tinatawag na Road Trip kung saan ipapadala si Pamu, Kevin at Tintin ( mga housemates sa bahay ni kuya) sa kanikanilang lugar kung saan may kaukulang task na dapat silang gawin. 

Una kay Kevin, kailangan nyang makarating sa kanilang bahay na walang nakakilala sa kanila Pamu at kailangan niyang makapagmano sa kanyang lola at makausap ang kanyang ina sa loob ng 100 secs na walang sino man ang pwedeng makakilala sa kanilang dalawa.

Hindi ito story lang ng PBB, kundi ito ang eksenang nag pakurot sa aking puso at damdamin. Habang nilalapitan ni Kevin ang kanyang lola na matagal na nyang hindi nakikita, ganun din ang pobreng matanda na dahil na rin sa katandaan ay maaring di na rin nakikilala si Kevin sa kadahilanang sa amerika na rin ito namalagi. Sa bawat ngiting nakita ko kay Kevin at sa mga salitang binibitawan ng kanyang lola ay ganun ka bilis ang pagpatak ng aking luha. Mabilis kung naalala ang aking lola, kung saan ay matagal na syang wala sa ming piling dahil sya sumakabilang buhay na. 

Lalo pa itong nag paanitig sa aking puso ng tuluyan ng nagkita sila ng kanyang ina, walang salitaan ngunit patuloy ang kanilang iyakan at halikan. Damang dama ko ang kasabikan nila sa isat isa. Doon ko muling naalala ang aking ina, kung saan alam ko kung gaano ko sya naalala sa araw araw na wala ako sa tabi nya at ganun din sya. Ang halos madaming luha ang pumapatak galing sa kanyang mga mata sa tuwing akoy magpapalam dahil sa kailangan ko ng bumalik sa Amerika. Halos walang patlang ang agos ng luha sa aking pisngi habang ang palabas na iyon ay aking pinapanood. Simple lang kung tutuusin ang eksena, pero labis akong naging emotional dahil dito. 

Muli isang hiling ang aking nasambit, nasa sanay maging malakas ang aming mga katwan ng sa ganun at masaya na ulit kaming magkitakita sa aking muling pagbabalik sa bansang pilipinas. (senxa tao lang emotional)

 

No comments:

Post a Comment