"Pasko na naman o kay tulin ng araw". Hindi ko na mabilang pa ang mga taon na nagcecelebrate ng pasko sa ibang bansa. Hindi ko masabing sanay na ako dahil sa tagal ng panahong akong nag iisa sa araw na katulad nito. Hindi ko rin maalis na masaktan, maluha at maawa sa aking sarili. Meron naman akong choice na umuwi na sa Pinas, kaya ko namang mabuhay doon at magkaroon ng magandang trabaho, pero pinili ko pa rin ang buhay na ganito.
Mismong araw ng pasko ngaun, imbes na akoy nagsasaya kasama ng aking mga kaibigan, heto akot nagtatrabaho, iniisip ko na lamang na di bale sa New year ako naman ang off duty. Walang kakaibang pangyayari na nagaganap sa lugar kung saan ako nag tatrabaho, maliban na lamang sa libreng pagkain sa cafeteria. Free meal para sa mga empleyado, a typical turkey with mashed potatoes, sprouts and veges, ang traditional na pagkain ng causcasians.
Pagkatapos ng aking 12 oras ng pagtatrabaho, niyaya ako ng aking isang kaibigan na maki celebrate ng pasko sa isa nyang kaibigan, sa madalit salita ay gate crasher lang din ako. Dahil sa ayaw ko man magmukmuk sa bahay, kaya minabuti ko ng sumama sa nasabing party. Masaya at maingay ang bahay na aming pinuntahan. Nagbatian kami ng merry christmas kahit gayong di ko naman sila kakilala. Sabay sabay kaming kumain ng aking kaibigan at ilan pang bisita na halos kasabay din lamang naming dumating. Ang dami ng handa, typical pinoy ang handaan. Di ko na mabilang ang dami ng pagkaing aking nakain. Kasabay noon ay inuman na halos walang patlang sa dami ng tinutunggang alak. Halos lahat at masaya, walang ibang iniisp kundi ang magsaya.
Halos madaling araw na ng akoy ihatid ng aking kaibigan. At doon akoy nalukluk sa aking sofa bed at nagiisip isip, nag bukas ng computer, ipad2, at television habang nanood ng TFC. Wala sa ulirat ang aking isip noon, bastat ang alam ko lamang ay bukas lahat ang mga gadgets ko pero wala namang focus kung ano ang aking gagawin.
Naluha ako, habang pinagmamasdan ko ang aking napakagarang Christmas tree na napapalibutan ng mga led christmas lights, magagarang palamuti at mga ilan ilang regalo sa ibaba nito. Doon ko lang naiisip na, ni isa pala sa mga mahal ko sa buhay, kaibigan man or kakilala ang nagpadala sa akin ng christmas card. Ako kasi ang taong mahilig sa cards, mas gusto kong nakakatanggap ng cards sa ano mang okasyon or kahit sulat compare sa email.
Alam kung nasa makabagong panahon na tau ngaun, lahat ay dinadaan na lang sa teknolohiya, pero bakit ganito ang aking nararamdaman. Halong lungkot at sakit dahil ni isa man sa kanila ang nag effort na gawin ang gusto ko. Naiisip ko tuloy na bakit ako lahat ng gusto nila ay ginagawa ko pero ako isang simpleng kagaustuhan lang di pa nila yun nagawa.
Masaya kasi akong kapag nakakatanggap ng cards, ginagawa ko pa itong isabit or idikit sa dingding ng aking sala sa tuwing akoy may mga cards na natatanggap. Pero ngaung pasko bukod tanging isang card lang ang aking natanggap mula sa aking personal banker, nakakatawa pero halos maiyak ako ng sya ay aking kuhanin sa aking mail box.
Meron din naman akong regalong natanggap, isang KOR water thumbler na syang pinasikat ni Oprah at Kris Aquino ang aking nakuha sa isang malayong kaibigan mula pa sa kabilang parte ng Amerika, mga kaibigan ko d2 ay nagbigay din ng kaniknilang simpleng aguinaldo na sa katanuyan ay di ko pa inaalis sa aking christmas tree. Isang t-shirt na Aeropostale na nanggaling kay Nena, isang starbucks na mug na may lamang kape at tsokolate mula kay Lena, isang pulang starbucks mug ( alam kasi nila na mahilig ako sa MUG) mula kay Gelai at sa aking pagka mangha isa na namang KOR ang aking natanggap mula sa aking matalik na kaibgan si Reg.
Masaya na ako sa aking mga natanggap, mas masaya ako sa aking mga naibigay. Masaya, malungkot at halo halong feelings ang aking nararamdaman, habang akoy nakatingin sa labas ng aking bahay habang pinagmamasdan ang pagbagsak ng mg puting niebe.