For so many reasons, di ko alam bakit di ko na nabalikan ang blog ko, minsan naiisp ko ang dami dami kung gustong sabihin pero di ko naman sya magawa, nakalimutan ko na meron pala akong blog na kung saan pwede ko ilabas ang mga bagay na gusto ko sabihin na walang maghuhusga sau or manlalait man lang.
Napapansin ko sa aking sarili madalas nakikita ko na basta na lang ako naiiyak, madaling madala sa mga napapanood ko sa pelikula, sa tv or kahit sa mga simpleng story na naririnig ko, dahil ba sa matanda na ako?? hahaha! Maraming bagay akong nais itanong kung bakit pero di ko alam kung paano at kailan ko ito sisimulan.
Una, napanood ko sa ABS CBN -MMK (Pulang Laso) ito ang tumatalakay sa story ng my homosexual na nagkaroon ng AIDS and HIV. Nakakatakot man isipin na parami na ng parami ang may ganitong karamdaman. Bakla, tomboy, lalaki, babae at maging mga bata man, pero di natin maiaalis pa rin na nakdikit ito sa mga homosexual. Mabalik tau sa story ng MMK, maraming bagay ang aking naalala. Una aaminin mo naranasan ko din pumasok sa ganung klase ng sinehan sa RECTO, nadiscover ko ang ganitong kalakaran ng akong collge pa lamang, dahil sa inosente ako sa mga maraming bagay kaya ko ito sinubukan. Hanggang sa nalaman ko na marami pala talagang ganitong kalakalan na nangyayri sa loob ng napaka luma at mainit sa sinihan tulad noon.
Hindi iisa or dalawang beses na din akong nalagi sa ganung uri ng gawain, na aaminin ko minsan hinahanap ko rin. Pero ni minsan dio ko naranasan na makipag relasyon sa mga taong nakikila ko doon, Sabagay di ko naman talaga sila nakikila, or nalalamn nila ang tunay kung pangalan, Marami rami na rin akong pangalang nagamit, at marami na rin akong mga pangalang nakilala sa lob na sinehan. Lahat sila ay parang mga payaso lamang na pagkatapos ng palabas ay magsisibalikan na rin sa kanilang mga totoong pagkatao.
Hindi pa rin ako maka get over sa MMK na napanood ko, una na amazed ako sa story at napatanong na totoo kaya ito? Tapos bigla akong nainggit sa mga pangyayri, may halong pagsisi na dapat sana nagpakilala ako ng tunay kung ako baka sakali naka meet ako ng totoong mag mamhal sa akin. Mahina kasi ang loob ko at malaking pangalan ang aking iniingatan. Natatakot akong malaman ng aking pamilya, kaibigan at mga kakilala.
Sa eksenang nagalit ang mga magulang ni CARLO AQUINO sa MMK episode na un, natakot talaga ako na pwedeng ganun din ang pwedeng mangyari sa akin. Pero ng mag encounter naman ang tatay ni JOEM BASCO naluha ako kung gaano ka sincere ang tatay nya at kung gaano nila kamahal ang anak nila. Bigla akong napaisip na, di kaya ganun din ang pamilya ko? Di na nilaako kailangang tanungin para compirmahin kung ano talaga ang aking kasarian?
Alam naman nila na nag kaka GF ako noon, nakapangasawa at di nga lang nauwi sa matagalang relasyon, Pero buhay kami ay mag kahiwalay ng taong 2004 hindi na ako ulit nakitaan ng pagong pag ibig, maaring guisto nilang magtanong pero wala sino man ang mag lakas ng loob na magtanong kung bakit di pa ako nag aasawa ulit. Ano ang sasabhin ko? Gusto ko namang humanap ng taong mag mamahal sa akin kahit ano pa man sya na alam ko na mamahalin ako hangang sa huling laban ko sa buhay.
May mga tao naman nag papakita ng pagka concern sa akin sa panahong ito, una Nonrev, kahit alam ko na di sya consistent sa pinapakita nya alam ko na concern sya, sya lang ang taong nakitaan ko na walang materyal na interest sa akin, pero di ko pa rin halos maramdaman ang totoong pagmamhal sa kanya. Ngaun si Ram, isang physics teacher sa isang probinsya na nakilala ko di ko na matandaan kung saan. Pero nauwi ito sa pagkikita.
Sa next blog ko sya ikukuwento:
No comments:
Post a Comment