Sunday, 4 December 2011

My Wedding

Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ay ang aking kasal, kasal sa aking kauna-unahang naging GF. Ng mga araw na iyon walang halong pagdududa ang aking nararamdaman, bastat ang alam ko masaya ako.
Di man naging romantic ang wedding proposal pero di naman matatawaran ang ganda ng seremonya at reception. Lahat ng aming kapamilya, kapuso at kapatid ay walang sisidlan ng kasihayan para sa amin. Magagarang decorasyon, magarbong mga damit at masasarap na pagkain ang iyong makikita sa lahat ng sulok ng lugar kung saan nagaganap ang aming kasal.




Di rin mabibilang ang mga taong sumaksi at ang mga salaping aming nagastos at siempre ang nalikom dahil sa mga regalo. Parang fairy tale ika nga. Sa madalit salita kami ay nag sama pero dumating ang panahon na kailangan nya na ako iwanan, hindi dahil sa maghihiwalay na kundi dahil sya na approved na ang kanyang petition sa USA. At doon na nag simula ang lahat. 












No comments:

Post a Comment