Saturday, 17 December 2011

Christmas 2011

May sasaya pa nga ba sa Pasko sa Pilipinas? Ito ang isa sa mga okasyong aking namimiss tuwing sasapit ang buwan ng Disyembre. Sa maraming kadahilanan, una ang hirap mag bakasyon sa aking pinapasukan dahil kailangan mo ng seniority para sa ganun ay ikaw ang mauna sa pag pili ng bakasyong gusto mo. Pangalawa, labis itong napakalayo sa Pinas basta na lang sadyain at higit sa lahat ang pangatlo ay kailangan mo ng ibayong pagpaplano katulad ng pera na iyong gugulin ( alam nila, isang kang Sta Claus na galing Northpole na dala ang lahat ng klaseng regalo para sa mga mababait na bata)
Nakakaantig man sa puso ang aking narararamdan sa tuwing darating ang pasko, ay wala naman akong magagawa, pinipilit ko na lang na dumman ang isang napakahalagang araw na iyon sa pamamagitan ng, pamamasyal, ang pakikipag party sa mga di mo naman kadugong pamilya ngunit kapamliya sa puso at kaluluwa. At isa sa pina best siguro ay ang pumasok na lang sa trabaho, at least sa araw na iyon tahimik at di gaanong busy sa loob ng aking pinapasukan. Ngaunit isang tabi ko man ang aking nararamdaman patuloy pa rin itong pumapsok sa aking isip, nariyang alamin ang tamang oras sa Pinas, isipin ang mga bagay na dati ninyong ginagawa tuwing pasko at mga taong inaalala mo na alam mong nangungulila sin sa iyong pagkawala sa piling nila.
 Labis ang aking pangungulila sa aking pamilya sa tuwing sasapit ang pasko. Tanging mga Christmas songs at TFC na lamang ang aking ginagawang pangtanggal ng kalungkutan. Telepono upang makausap sila, ngunit minsan lubhang napaka sikip naman ng trapiko ng mga linya ng telepono. Wari ko bay lahat na yata ng tao sa ibang panig ng mundo ay sabay sabay na nag didial upang sa ganun ay mabati man lang nila ang kanilang mga mahal sa buhay ng "Merry Christmas".


Pero ano nga ba ang tunay na kahulugan ng Pasko, iba-iba ang ating pananaw. Sa tagal ko ng nag diriwang ng pasko, isa na lang ang aking kahilingan para sa aking sarili. Hindi mga mahal na bagay or mga bagong kagamitan. Sana naman sa taong 2012, ito ang aking taon para sa aking tunay na kaligayahan.

No comments:

Post a Comment