Si Kabayan
Isang kabayan natin ang na admit sa aming ospital, nagkaroon sya ng pananakit ng dibdib, tatlong araw bago naadmit nakaramdam na sya ng panghihina at kaunting pananakit ng dibdib. Pero sa kanyang akala io ay dahil lamang sa kanyang kapaguran sa pagtatrabaho. Nagtungo sya sa kanyang GP (General Practitioner) at doon dalidali syang inirefer sa pinaka malapit na ER.
At sa mga sandaling iyon, ay wala ng pag aatubiling sya ay inadmit. Ako ang na assign para sya ay ipasok sa Coronary Care Unit. May halong pangamba ang aking nakita sa kanyang mga mata, pero sa kabila noon ay tuwa na rin sapagkat kalahi nya ang taong mag aalaga sa knya. Isang emergency coronory angiogram ang ginawa sa kanya, kung saan may ipapasok na maliit na tubo sa isa sa pinakamalaking ugat nya sa singit or kamay para makita ang kondisyon ng kanyang puso kung sya ba ay may atake sa puso.
Hindi nga ako nagkamali at isang atake ang nangyari sa knya, Nilagayn ng stent ang kanyang mga baradong ugat sa puso. Mahigit na 30 minuto lamang ang itinagal ng ginawang procedure sa kanya. Muli syang ibinalik sa kanyang kwarto at doon nag pahinga. After ng ilang araw, nag decide na ang kanyang doktor na ilabas na, kalakip noon ang pagbibigay ng babala, resetnag gamot at ang kahalagahan ng pagbalik sa kanyang GP or Cardiologist. May halong saya ang kanyang nadarama kasi nga makakauwi na sya. Ngaun pa namang nalalapit ng pasko, lahat gusto masaya sa kanilang mga tahanan kasama ang kani-kanillang mga mahal sa buhay.
Ngunit tunay ngang tadhana ay mapagbiro, nagtipid ng perang ibibile ng gamot, sa pag aakalang okay na ang kanyang pakiramdam. Kaya ang kinalabasan ay nag re stenosed ang stent na kinabit sa knyang puso. Nag cardiac arrest sa bahay at ngaun ay nasa aming department and nanatiling walang malay. Ito si KABAYAN.
Its a miracle talaga ang nangyari sa kanya after 7 days nagkamalay si kabayan, ngaun ay maayos na nakauwi na!
ReplyDelete