Friday, 2 December 2011

First Time

FIRST TIME..

Baguhan pa lang ako sa mundo ng blogging, una nacocornyhan naman ako sa mga bloggers, tanong ko sa sarili ko, ano kaya ang mapapala nila sa pagsusulat kung wala namang nakakabasa nito. Pero laking gulat ko rin ng ako mismo naubos ang aking panahon sa pag babasa ng mga blogs sa website na ito. Maraming bagay akong natutunan sa blog website na ito, una ang expression of your true self, di ka kasi nahihiyang sabihin, ikwento at ipagsigawan sa mundo kung ano ang nasa puso mo. Ikalawa, nakakawala ng pagod, para sa nagsusulat nakaka tanggal ng stress at sa nagbabasa naman ay ganun din. At pang huli, ay nakaka inspire, either ikaw or sila ang nabibigyan ng inspirasyon sa bawat kwentong iyong mababasa.

Bago ang lahat nais ko munang magpakilala, tawagin nio na lang ako sa pangalang RM, stand for Real Me. Actually matagal din akong nag isip ano nga ba ang aking gagamiting pangalan sa website na ito, for so many reasons ito lang ang kusang lumabas sa isip ko kaya, pag pasensyahan nio kung badoy man sa pandinig na iba wala na po akong magagawa.

Ako po si RM, isa sa limang magkakapatid na nanggaling sa di naman kayamanang pamilya at di rin naman matatawag na mahirap. Bakit ko nasabi yon, kasi ni minsan sa buhay namin di namin naranasan ang magutom, nakapag aral kaming lahat sa mga magagandang unibersidad at may magagandang buhay at higit sa lahat tinitingala nila ang buo naming akan ( so ganun din yun miembro ng alta sociodad or buena familia, lol) pero di naman iyon ang mahalaga, ang importante at kung ano ang pwede kung ibahagi sa inyong lahat.

Isa po akong diborsyadong tao, nagasawa sa paniniwalang magiging masaya ang aking buhay, ngunit sa kasawiang palad, di rin naman nagbunga ang aming pagsasama, bagkus nauwi lamang sa isang masamang panaginip. Inaamin ko hanggang ngaun, meron pa rin akong galit na nararamdaman sa knya, sa paniniwalang nasira ang buhay ko dahil sa kanya. But on the otherside, di man ako sinuwerte sa family life, maswerte naman ako sa aking napiling profession, ginagalang, tinitingala, competitive, matalino at hingit sa lahat ma inpluwensyang tao sa larangan ng aking napiling karera.

Matagal din akong nagtrabaho sa Pilipinas, pero ngaun nabigyan ako ng pagkakataon na makipag sapalaran sa ibang bansa. Maraming contenente narin ng mundo ang aking napag trabahuhan, Asia, Europa at pati narin America. At sa bawat bansang aking nilagian ay marami akong matatamis at mapapait na alaala, kung saan nananatili itong secreto.

I think this is too much for an introduction, at kahit ako excited na ako sa aking mga susulatin dito. Kaya sabi nga nila stay back, relax and read my blog,, this Real Me: My ultimate secrets.

2 comments:

  1. welcome to the world of blogging...

    ReplyDelete
  2. @Mac Callister thanks and I hope we both enjoy reading!

    ReplyDelete